Monday, February 04, 2008
ngipin, buhok

ito ang mga bagong issue sakin ngayon.

kakatanggal lang nung braces ko last weekend. nagalit pa ko sa dentista ko dahil talaga namang antagal kong naghintay bago ako pinapasok sa loob. mukhang natarayan ko pa nga. akalain mo ba namang mga isa't kalahating oras ako naghintay pagkatapos nung pumasok na ko sa loob, ang sasabihin lang sakin e bumalik na lang daw ako mamaya. geez. badtrip. pagdating ko sa bahay, napagbuntunan ko ang sofa namin. tulog.

paggising ko, 2:00 na. 2:30 nga pala ako pinapabalik. nagisip pa ko,ano kaya kung ako naman ang mang-indian sa kanila. bigla kong naalala na ako nga pala yung nagbabayad sa kanila, ako rin malulugi.

tumawag bigla yung assistant ng dentista ko at sinabing magpunta na daw ako dahil mukhang malalate yung mas unang nakasched sakin. toothbrush,pera,alis.

pagdating ko dun, pambihira, andun na bigla yung mas nauna saking pasyente. potek, mukhang paghihintayin na naman ako nitong mga to ah. nagbasa muli ako ng mga magazine na 5 beses ko na ata hinalungkat mula nung umaga.

maya-maya pa, tinawag na ko. pagupo ko sa dentist's chair (ako na nagpangalan sa kanya) at lumuwag na pakiramdam ko. tinanong muna ako nung dentista ko bago nya tuluyang ipitin ang mga brackets para matanggal. aray. tumama pa sa gums ko.

...

nalalasahan ko yung mga cememnto  nung brackets ko.pweh. pagsara ko nung bibig ko, nararamdaman ko yung mga cementong natira. AT, para akong walang maramdamang ngipin. pinatingin ako ni doktora sa salamin. parang lumaki yung ngipin ko. mas nakita ko pa lalo ang gums ko. potek, gustong-gusto kong ibalik yung braces ko nung mga oras na yon.

paguwi ko sa bahay, nahiga muna ako. hindi pa daw ako pede kumain dahil may nilagay pa sya sakin, after 1 hr pa daw ako makakakain. pag dating ng isang oras. kumuha kagad ako ng apple at kinagat ko yun. iyon ang bagay na talaga namang namiss ko nung may braces ako, at sinumpa ko pagkatanggal talaga ng brace ko e kakagat kagad ako ng mansanas. ang sarap nung juice nya. di katulad dati na hinihiwa ko pa, wala tuloy juice. nextstop: manga.

matapos ang matagl napagtitig sa salamin,gusto ko namang magpagupit. hmm..yung maikli kaya?hanggang shoulders na lang. pagdating ko sa salon, pinatali ko ang buhok ko at ginupitan. tinago ko yung nakataling part. ang haba pala nung nabawas. mukha na kong nene.

pambihira, ampangit ng kinalabasan. ang laki na ng ngipin ko, ang ikli pa ng buhok ko. tsktsk. ngayon, masakit pa yung ngipin ko na parang kalalagay lang nung brace ko. potek.


Posted at 02:10 pm by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Saturday, August 25, 2007
paranoia

i hate it when i'm scared. my doubts may be wrong. some hates me when i'm scared especially when they proved my doubts wrong. but i don't get scared without any reasons, and sometimes my doubts are right.. i just hate it when people get used of me being scared that they don't believe me anymore whenever i needed them to.


Posted at 06:54 pm by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Saturday, July 14, 2007
I'm on it!

      potek..sa wakas!tapos na din ang reporting at training moments ko..gademett!what a feeling!

      whew!i have been humbling myself for the past few weeks since i'm applying for an organization..at sabi nila, dapat daw simple ka lang..sabagay, dapat mas mukha kang dukha kesa dun sa inaapplyan mo para di sila maintimidate..(buhahah!)..at since last day na kahapon, pambihira, member na ko!!!wata-FF?!!

      syet, everytime na maaalala ko yung mga ginawa ko habang nasa process pa ko, gusto  kong lumubog..pambihira, kadiri!nakakahiya!..parang hinding hindi ko talaga magawa...at kahapon, grabe, ang baho ko.amoy, patis, all purpose cream, suka..hala, lahat na!define baho, kami na ng mga batchmates ko yon..ulk

   oh well, dahil jan..kailangan magbalik studyante na ko..balik sa dating buhay..buhay college, dormmates, photos, assignments, pants, slippers, bags, balik porma. yehhhh..god i miss it..

 

btw,this is our batch song..(na hindi man lang pinatapos sa pagkanta nung nagpresent kami!pinunitan pa!)



Currently listening to:
World's Greatest
By R. Kelly



Posted at 04:06 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Saturday, July 07, 2007
laki laki dey

sabi nila lucky day daw ngayon..

 

   aba, oo nga...lucky day..wala akong reporting..araw ng pahinga..

   hayy..isang linggo na lang..sana kayanin ko..isang linggo..limang araw..kaya ko to!kayang-kaya ko!hay,,nasisiraan na ko ng bait..

 

      ..sus, sana mabenta ko ang limang piso kong lollipop..sana may bumili at kumagat ano..


Posted at 04:18 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Saturday, June 30, 2007
blouses, pants, bags, boys

        kahapon, nagpunta ako ng qc para mag-"syaping" kasama ang ate ko,,(at para kunin ang cellphone ko pero hindi pa binigay, shyet!)..nagpasama ako sa kanya sa mall dahil baka maligaw ako..(hint: ilang beses na kong nakakapunta dun pero ewan ko ba!hindi ko parin nahahanap yung labasan pag nasa loob ako,,wala talaga akong sense of direction..mangmang!)

       mga 4 something na ata ako nakadating sa math pero mga 6 na kami nakapunta ng mall..

       ang unang destination: penshoppe
          mukha namang magaganda yung mga damit sa malayo..naghanap kagad ako ng pedeng maisukat..jaske, ang hirap magkanap kapag andami mong nakikitang maganda..kung saan san ako napapalingon..blouses ang una kong target bilhin pero napapalingon ako sa mga pantalon..pagpunta ko sa mga pantalon, sa mga belt naman ako napatingin..tapos napatingin ako sa mga bag at wallet...(ahay, kaloka..)..bumalik na lang ako sa mga blouses dahil napansin kong sinusundan na ko ng ate ko sa likod (hint: pag sinusundan na ko ng ate ko, naiinip na sya)...pinilit kong magfocus sa mga blouse sa harap ko at maghanap..ayun!may blouse na kulay malabong green..(malabo kasi hindi ko alam kung green nga sya dahil para syang lumot, na kulay green din naman)..pinakita ko sa ate ko...ang panget daw..(walangya kasama to..walang pakisama..)..nainis na sya at sinabihan ako na marami pa namang stall..kaya lumayas na kami sa penshoppe..

   pangalwang destination: sports (hindi ko matandaan kung sports nga ba ang nakalagay,,basta puro sporty ang naandun..)

             pumasok kami..tumingin ako ng flip flops at naglibot naman ang ate ako..ang papanget ng flipflops..pinuntahan ko ang ate ko para sabihin lumipat kami, pero nakita ko syang nagtatanong dun sa taga-aassist ng size ng isang rubber shoes...hanep, naunahan pa ko mamili..wala akong nagawa..naghintay na lang ako at pinilitang sariling maghanap ng mabibili..pero wala talaga akong makita..kaya naupo na lang ako habang hinihintay ang ate kong pumili sa mga sizes...
          may nakakatawang taga-assist na tinanong ako kung san binili ng ate ko ang bag nya..sabiko sa human,,aba, tinanong kung magkano daw, hindi ako nakasagot..hindi ko alam ang price eh..tumawa na lang ako at sinabing ewan ko..kaibang saleslady ito..

       pangatlong destination: celine
          grabe ang daming tao..nagsale kasi sila ng mga bag at footwears..pambihira..ang daming matatanda...naguunahan sa pagkuha ng mga items..hindi tuloy ako makasingit..pumasok na lang ako sa pinakang loob at tumingin ng mga nakanormal price..wala akong napili..nauwi din ako sa pagtingin ng mga flipflops pero ang mahal..(male, hindi sya havaianas..nakalimutan ko pangalan pero basta nasa celine sya..maganda naman sya at malambot, tipong maibabaluktot mo na yung slipper sa sobrang kalambutan..)napilitan akong iwan dahil hindi naman sya nasa priorities ko..(pero pramis, babalikan ko yon,,i shall return)..

       pang-apat na dstination: olrille?(ewan, basta di ko matandaan..,)
          sumilip kami..pero nauto ako ng ate ko ng nang sabihin nyang magpuna kami sa bench..

       panglima: herbench (malamang sinabi ko ngang nauto ako ni ate eh)
          pambihira, ang dami na namang magaganda...nalito na naman ako..naiinis na ang ate ko dahil ang tagal ko nang mamili..mage-8 na pero wala pa kong nabibili...pinilit kong maghanap ng mga pants..pero pambihira, puro skinny jeans!waarrraaagh!hindi naman bagay sakin yun eh..lalo lalaki ang balakang at maeemphasize pa lalo ang legs ko..walangya, nauso lang e parang tinanggal na lahat ng ibang style ng pants..kahit straight cut man lang sana!
       nakahanap ako ng dalawang maganda ang kulay at hindi msyadong katulad ng skinny jeans, sinukat ako..sa kasamaang palad, hindi maganda ang fit sakin!pambihira...masikip sa balakang pero maluwag sa bewang..parang pag umupo ako e makikitaan na ko sa luwag...sinauli ko yung mga jeans sa nag-assist sakin at sinabi ko na lang na hindi talaga maganda ang fit sakin..

       pang-anim: naf-naf
          napapagod na ang ate ko at naiinis..lagot,pag hindi ako makahanap ng mabibili, e lalayasan na ko nito..hindi pede, wala akong susi ng bahay..
          mabuti na lang at nakahanap sy ng mapaglilibangan..tumingin tingin sya sa nafnaf..sumunod naman ako..tinignan ko din yung mga pants..(da usual, puro parang baston na naman ang mga pants kaya tumingin na lang ako ng mga blouse.)
          sa wakas, nakahanap ako ng blouse..(actually yung ate ko na naghanap ng para sakin, dahil naiinis na talaga sya..at para naman daw may mabili na ko..)..nakahanap pa ko ng isa habang nagsusukat sya...at last..
          nagulat ako nang binigyan nya ko ng pera at pinagbayad nung mga blouse..(nakalimutan ata nyang may pera ako..pero hindi na rin ako sumabat..syempre, alam nyo na..)

       pang-pito: bench
          puro panglalaki, kaya umalis din kagad kami..

       pang walo: soda
          dito sinabihan na ko ng ate ko na kung wala akong makitang maganda e umalis na kami dahil baka wala na naman kami mapala (sa mga panahong yon e sinasabi na sakin ng ate ko na halimaw ako at pinagsisisihan na nya na sinamahan sya ko..)..wala nga akong nkitakaya umalis na ulit kami..

       pang-syam: lee
           pinabrowse nya sakin yung mga pants..wala akong nakita kaya tsupi ulit..

       pang-sampu: crissa
           pumili ako ng pants..kaso puro flared naman..(syet, wala bang katatamtaman na cut lang??!),,may nirecommend ang ate ko na pants..maganda yung kulay kaya pinatulan ko na..nagpunta ako sa dressing room para sa isang pants...(mahaba ang pila!)..pagkafit ko nung pants, hanep, mukha akong isip bata..akalain mong mag stiches pa pala na malalaki yung pants at parang pang pre-teens ang nakuha ko..e di malamang sinauli ko ulit...

        pang-labing-isa: hot kiss
            wala akong napala, hinatak na kagad ako ng ate papunta sa jag...

         pang-labing-dalawa: jag
     dito nakahanap na ko ng pants (thank goodness!)..dalawa na yung binili ko para masaya...syempre sinukat ko muna..at ang magaling kong ate e nagpasukat ng nagpasukat sakin ng blouse na sya naman ang may balak bumili...napagod ako dun ah..nagbayad na din ako pagkatapos..(oo, iniwanan ko ang ate kong pumipili ng damit..nagulat sya sakin nung makita nya yung mga nabayaran ko..)..
          habang hinihintay koa ng ate ko na magbayad, e tumingin muna ako ng blouse..mahaba pa yung pila, pede pa kong pumili hbang nasa pila ang ate ko..ng makakaita ko ng mga design e humingi na ko ng mga sizes sa saleslady at humabol sa pila..nahiya naman ako dun sa mga nasa likod ng ate ko kaya pumila na lang ulit ako..natawa na lang yung ate ko nung makita nya kong nakapila ulit..."halimaw ka talaga mamili"..

          pang-labing-dalawa: egg
     bag naman ang napaginteresan ko..at wallet at pouch na malaki at maliit at pang-gimik-handbag..

          pang-labing tatlo: tokyo tokyo
        taroy, gusto ko pang mamili pero namilit na ang ate kong kumain..pinaalala pa, nakaramdam tuloy ako ng gutom..pumasok kami sa tokyo tokyo, walang upuan...ginala ang mata..wala talagang space..lumabas...pumasok uli, nagbakasakali..wala talagang bakante...labas..(akalain monh pang-13 pala namin tong pinuntahan..naman kasi eh..malas talaga..)

          pang-labing-apat: max's
               table for two-hayy, saka lang ako nakaramdam ng pagod..umorder na muna akmai tapos tinignan ng ate ko yung wallet na binili ko sa egg..naingit, bibili daw muna sya ng wallet sa penshoppe habang wala pa yung pagkain..naiwan tuloy ako..
              nakakatawa,,pinagmasdan ko muna yung mga waiter nila..grabe, ang lilinis ng hitsura,,may gwapo pa..ibang klase..mas mukhang tao kesa dun sa ibang customer..ang gagaling pa nila..elibs na elibs ako sa paraan nila ng pagdala nung tray..aba, khit na may laman na malaking pot ng sabaw, limang kanin, at dalawang baso na may tubig yung dala nilang tray e balanseng balanse ang pagdadala...hanepppp...woooww...hayy,,nagugutom na ko..
             dumating na din yung order namin pagkadating ng ate ko..kulang pa yung order pero kumain na kami..(gutom na kami eh)...wala pa kami sa kalagitnaan ng pagkain eh naiinip na yung ate ko dahil ang tagal dumating nung chopsuey..nagulat na lang ako nung tanungin nya ko kung bakit wala pa daw..e may waiter kasi sa kabilang table..(akalain mong narinig pa kami!ang hina naman ng boses nung ate ko..tsismoso toh)..tumawa yung waiter ant hi=umingi ng paumanhin..tapos may inutusan syang isa pang-waiter para asikasuhin yung nahuli namin order..naiwan na alng kmai ng ate ko ng tumatawa..nagulatna lang kami ng biglang dumating ulit yung waiter at inentertain kami..tapos dumating yung manager at kinausap din kami..tapos may dumating ulit at sinabi na saglit na alng daw..tapos may dumating ulit na may dala  naman nung mismong order namin..(walangya, masyadong nagpanic ang mga crew!nakakatawa sila...)medyo natuwa naman kami kasi at least mabilis silang magresponse..kaso medyo nao-OA-yan na kami kasi parang palagi na kaming chinecheck nung manager at nung ibang waiter..o kaya nung isang waiter na kanina pa nangiti smin..may crush ata yun sa ate ko dahil bukod sa balik sya ng balik e kinakausap pa kami..may mga sinasabi pa sya eh..pero tumawan nalang kami..(nung umalis yung waiter tinanong ko ang ate ko kung ano yung sinabi nya, walangya, hindi rin nya pala alam, tumawa na alng sya..)

            maya-maya, bumalik na naman sya at kung ano ano na naman ang tinanong..natatawa talaga ako sa mga pinagsasasabi nya,..at para makalayas na kami, hiningi na namin yung bill at lumayas..pambihirang mga waiter to..

           pang labing-lima: mercury drug
          naka-alis na kami ng mall pero pumunta muna kami ng mercury para bumili ng toiletries..
                pagkatapos, e nagabang na kami ng taxi..nakakagulat kasi biglang may lumabas na kampon ng kadiliman (joke lang mga lalaki lang na nakaitim)..mga punkista ata, (pero mukha silang mga member ng kulto)..sinisipa nila yung basurahan at ginugulo yung mga basura (yak)..nang medyo lumapit samin e saka lang namin narealize na mga bata pa pala yung mga yun (muka kasing mga tambay na payatot sa malayo e)..nakakatakot sila kasi talagang hindi sila naghihiwalay-hiwalay..tipong pag napasingit ka sa kanila e magiging maitim ka na rin..kahit yung damit mo mahahawa (joke, inexagg ko lang)..mabuti na lang at nakahanap din kagad kami ng taxi..

            pang-labing-anim: linhaus
                pagkadating namin, e nanood muna kami ng mmk..(magaling magaling magaling..nakapanood pa kmai kahit pagod na pagod na)
                nasa kalagitnaan kami ng panonood ng dr. house nang dumating si isa pang ate..at sinabihan na kasama nya si boylet,at lasing sya,syempre napilitan kaming lumipat sa kabilang kwarto..sa sobrang kaabidakan ng ate ko e dinala nya yung TV para mkapanood pa rin...(amazona talaga kami)..inutusan ulit ako ng ate ko na kunin yung mga naiwan namin dun sa kwarto hang wala pa si boylet dun sa room..
                but NO! nandun na pala si boylet nag nagtatanggal na ng pants nung pumasok ako...

           (#@*%&^!que horror!!!!!)napasigaw na lang ako at tumakbo sa kwarto..(nagsorry naman ako kay kuya bago tumakbo.)..hayop, so hideous experience..!(kanina lang umaga e si kuya ang naghatid samin, at ang magaling kong ate e sa front seat ako pinaupo..at natutunaw na ko sa sobrang hiya..maygawd..kuya..nakakahiya)..at ang mag lokaret kong ate e tinatawanan lang ako..mga walangya..

            matagal bago ako makaget-over sa nakita ko..at pagkatapos e humiga na ko ng kama..knock-out ako...

Posted at 01:08 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Wednesday, June 27, 2007
it's a wreck.

      i hate the feeling of being embarrassed..(who would want anyway?)..you know, the feeling while your in the front seat then your instructor calls you and you can't answer..alas! i want to disappear that very moment..

      i've been in this university for more than a year..yet i'm still not used of being humiliated during recitations..i don't know, it's just that i'm really getting so nervous whenever i'm being called to answer..then i'd speak with the stuttering words, shivering voices, funny face and all..

      ugh, this is going to be a mortifying semester..especially during my 1-2:30 class..

        yerrayt..i'm so stupid i need a popcorn...


Posted at 02:09 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Monday, June 25, 2007
is cena drafted?

      i haven't watch WWE these past few days..and i've been wondering how the draft ended..you know, the "biggest swap you'll ever imagine", as shane used to announce before the said draft..

      if ever cena was drafted, oh men, you have got to be kidding me..

    Also, this weekend, i watched a commercial about the explosion of mcmahon's limo..i wonder if mcmahon really was inside..it would be a boring if he's not there...too bad..


Posted at 12:16 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Sunday, June 24, 2007
prejudice

      semi-bald.

      bah, they're all the same.

      man, how i hate 'em.Hurmph


Posted at 12:06 am by bahbah
reklamo?demanda?habla?  

Wednesday, June 20, 2007
"so you're a girl pala?"

      c'mon..nagyon may mailalagay na ako sa "first day" story ko..pero syempre, hindi na first day (pero gusto ko pa rin na gawing first day, gusto ko lang..haha) kasi third day (ay hindi, second day pala, dahil wala naman kaming pasok nung tuesday) na..

      kanina lang kasi dumating ang mga freshies sa class kaya naman parang kanina lang din ang first day..anyway, (so kunyari first day na lang ha? ) first day of classes, e may kung ano ano kagad kaeklatan..palibhasa puro arts and literature ata ang mga GE ko ngayon..kaya tinambakan kagad kami ng gawain..

      pero bago yon, ikkwento ko muna ang mas nakakainis na part..

      hay..bajie..mukha namang pangalan ng babae diba? (umoo ka na..kahit pep talk lang) palagi na lang pinagkakamalang panglalake ang pangalan ko..(hayop kasing let's go yan eh..lalo tuloy akong nalalagay sa names ng mga lalake)..akalain mo ba namang tanungin ako ng instructor namin sa hum ng, "so you're a girl pala?".... patay.

      arayko..(yan na nga ba sinasabi ko eh..bukod sa ayaw na ayaw ko yung tanong na "yun lang ba talaga pangalan mo?", e pinagkakamalang panglalaki ang pangalan  ko)..ano kaya yun..ok lang sana kung sa simula e malagay yung pangalan ko..pero gatungan mo pa na tatanungin mo ko ng "so you're a girl pala?" (mocking tune) sa mismong harap ko, e insulto na diba??sana naman ma'am hindi mo na ko tinanong..kahit papano mukha naman akong babae kanina..nakalugay naman buhok ko! pagirl pa yung suot ko..!kamusta naman, tinanong pa ako, parang naghihinala sa pagkatao ko..hindi naman ako mukhang bading ah..kahit naman wala akong b**** e mukha pa rin akong babae..hayop talaga..pambihira..

      sa parehas din na klase, e napagtripan ata ng instructor ko na magtanong bigla..(recit kuno) and guess what? ako pa unang tinanong.."what is a portrait?"

      jusko, minalas nga naman, akalain mong kinabahan na naman ako at ang tanging lumabas sa bibig ko e "symbol"..(pero ang nasa isip ko e "image"..yun na dapat ang isasagot ko kaso, alam nio na,,iba ang sinasabi ng bibig sa sinasabi ng utak,,mali, puso pala yun..so walng relate dito,,erase erase..).kamon, madali ang tanong pero mali ang sagot..shaks..nakakahiya nama..jahe..(hindi talaga ako nasasanay sa mga kahihiyan dito sa campus)

      ayun, pagkatapos non e binigyan kami ng assignment..maggawa daw kami ng self-portrait namin..(kamusta naman ang pagiging arte-istic ko?)..hanep,,hanggang spongebob paintings nga lang ang kaya ko eh..higit sa lahat, mata lang pinakamadali kong maidrawing sa mga part ng katawan ng tao..

      tapos, dumagdag pa ang pinakahuling subject ko..pinaggagawa ako ng essay about (ano pa nag ba ang madals na tapic pag pinaggagawa ng essay tuwing first day?) myself..yeah..even i don't know who i am..geez...


Posted at 01:23 am by bahbah
Comments (3)  

Monday, June 18, 2007
wala..wala..wala

      ..walang pasok..

      kanina lang ulit kami nakapagbadminton since magstart ang sem..actually, naiwan pa nga ako eh..nagising naman ako ng 5:30 sa alarm ng phone ko, pero dahil nanood ako ng PBB kagabi (wala naman akong napala...akala ko kasi magkokomprontahan talaga si gee ann at wendy..hindi naman pala..napuyat lang ako..hrr) inisip ko munang pumikit at hinatyin na lang na katukin ako ng mga dormmates ko..at sa kasamaang palad..hindi na ako nagising sa katok nila..nagising na lang ako bigla..(mga 6 na ata nun) pinuntahan ko mga dapat na kasama ko..wala na..naiwan na pala ako (oh no hindi to pede kailangan magexercise)dahil jan, nagbihis kagad ako at sumunod sa kanila sa park..buti na lang at nakita ko kagad sila,.kundi e maghahanap pa ako..so yun nga nakapgjog na ko..

      at dahil walang pasok, sinamantala na naming makipagbonding sa mga bago naming dormmates..at syempre, (dating gawi..gawain pag bagyo) sharades (tama ba spelling??)  at pinoy henyo ang nilaro namin..matagl tagal din bago kami natapos maglaro...nagkakasawaan na din kasi,..nawala na yung thrill..ayun, nagayawan na kami..talo pa mandin yung group namin..ayun..(so bakit ko nga ba to kinekwento)...wala kasi akong maisip ipost eh..e gusto kong magpost...

 

      ..walang magawa..


Posted at 07:34 pm by bahbah
Comments (4)  

Next Page


bahbah
dyariIStheNAME



this site is made out of curiousity and envy, nothing more. i believe the title already explains everything about this. i grew tired of writing in notebooks.


JE SUIS QUE JE SUIS.


NOTE:
Everyone has the right to speak. Kaya walng pakielamanan..ok?!good.:)

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed